top of page

Kaibigan o Ka-Ibigan

Aking katoto, Ikaw ay kaibigan ko. Ngunit higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa iyo. Ito'y dahil ika'y napakabuti, Kahit kanino, 'pagkat ika'y walang pinipili. Siya ma'y kaibigan o hindi. Iniibig ko, Hindi ko alam kung paano, Ngunit ito talaga ang nadarama ng puso ko. Kung kinakailangan ma'y, Iaalay ang buong buhay, Dahil ika'y aking minamahal nang tunay. Mahal na mahal kita. Oo, ako ma'y hindi laging kinikilig, Ngunit ang pagkausap sa iyo ay aking hilig. Aking nag-iisang pangako, Hindi ako mawawalay sa tabi mo, Dahil naririto lamang ako. Aking kaibigan, Pag-ibig ko'y walang hanggan, Ikaw ma'y kaibigan o ka-ibigan. Ika'y hindi ko pipilitin, Na "Oo" ang iyong bigkasin, Kahit 'yon man ang gusto kong iyong sabihin. Wala na akong ibang hihilingin, Kung ika'y nariyan para sa akin, At kung ako'y iyo lamang mamahalin. Ika'y ipaglalaban, Ika'y bibigyan ng kasiyahan, At ika'y patuloy na hahangaan. Mahal kita, Ang tanging mensaheng aking gusto ipakita, Sana'y maintindihan mo sinta.


FEATURED POSTS

CATEGORIES

ARCHIVE

bottom of page