top of page

Paggunita ng Wikang Filipino bilang Wika ng Pananaliksik, pinagtitibay ng Familians ngayong Buwan ng


Noong ika-24 ng Agosto, 2018, ipinagdiwang ng Holy Family School of QC., Inc. ang Buwan ng Wika 2018 na may temang “Filipino: Wika ng Pananaliksik”. Ang selebrasyon ay pinangunahan nina Bb. Hannah Nino at G. Joemar Toling. Ito ay hinati sa tatlong bahagi kung saan nabigyan ng pagkakataong magpakitang-gilas ang mga nagwaging bilang mula sa Mababa at Mataas na Paaralan, at nagtagisan ng talisik at alindog ang mga Lakambini.


Nagsimula ang palatuntunan sa isang Awit Panalangin na pinangunahan ng mga piling mag-aaral mula sa Familian Voices. Ito ay sinundan ng Pambansang Awit na pinangunahan naman ng mga piling mag-aaral mula sa Familian Music Ministry. Upang pormal na buksan ang palatuntunan, nagbigay ng Pambungad na Pananalita ang Tagapag-ugnay sa Asignaturang Filipino na si Gng. Digie R. Abe. Kanyang tinalakay ang wikang Filipino, paano ito nagsimula, at ang kahalagahan nito. Inanyayahan din niya ang mga manonood na tangkilikin, mahalin, at pag-aralan ang Filipino sapagkat ito raw ay sumisimbolo sa pagkaka-isa at kasarinlan ng Pilipinas. Kailanman ay hindi ito mabubura.


Pagkatapos noon ay nagsimula na ang unang bahagi ng programang binigyang pansin ang mga talento ng mga mg-aaral sa Mababang Paaralan. Bago nito, nagbigay muna ng Pampasiglang Bilang ang mga mag-aaral ng 11 - B kung saan kanilang tinanghal ang iba’t ibang sayaw na tinangkilik ng mga Pilipino sa kasaysayan. Pagkatapos, nagtanghal ng Awit Sayaw ang mga mag-aaral ng Kinder 1 at Kinder 2. Sunod namang nagtanghal ang 1 - Sta. Genevieve ng kanilang Sabayang Pagtula na tumatalakay sa wika at kahalagahan nito. Masining na Pagkukuwento ang ipinakita ni Henrietta Reign Querido na nagmula sa 4 - Sta. Flora, kung saan sinalaysay niya ang kuwentong "Ang Matalinong Batang Kambing". Bago magkaroon ng maikling recess ang mga mag-aaral, nagpakitang-gilas muna sa Mukhalumpati sina Allyssa Franchesca Patrimonio ng 5 - Sta. Rosa na ginaya si Miriam Defensor-Santiago, at Septh Ree Cada ng 5 - Sta. Monica na ginaya si Sisa.


Binigay ang entablado sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan sa ikalawang bahagi ng palatuntunan. Nagkaroon muli ng Pampasiglang Bilang, mula naman ngayon sa mga mag-aaral ng 11 - A, na nagbigay-ilaw sa pag-ibig sa pagitan ng ina at anak. Sinundan ito ng Bigkasbilis o Sabayang Pagra-rap ng 8 - Sta. Lucia. Samantala, Sabayang Pagbikas naman ang itananghal ng 10 - Sta. Teresa. Huling nagtanghal ang mga mag-aaral ng 12 - B ng isang Likhang Awit tungkol sa pighati ng mga Pilipino. Matapos nito ay ginawaran na ang mga nagwagi sa iba’t ibang patimpalak na idinaos sa buwan ng Agosto. Kinabilangan ito ng lahat ng mga Familian; nasa ibaba ang listahan ng mga nagwagi. Sa kalagitnaan nito, nagtanghal ng Pampasiglang Bilang ang mga mag-aaral ng 12 - A na kumikilala sa pag-usbong ng pag-asa at paglaban ng mga Pilipino. Binigay naman ang susunod na oras upang makapagtanghalian ang mga mag-aaral at makapaghanda ang mga Lakambini.


Napuno muli ang bulwagan ng mga mag-aaral nang ganap na magsimula ang tagisan ng mga Lakambini. Ang anim na kalahok ay kumatwan sa iba’t ibang mga pista sa Pilipinas pati na rin sa kani-kanilang baitang sa Mataas na Paaralan. Datapwa’t, bago rumampa ang mga Lakambini, ipinakilala muna ang mga huradong kikilatis sa mga kalahok. Ito ay sina Gng. Marilyn Lubrin, Gng. Minviluz Gellido, at G. Sundie John Libo-on. Pagkatapos nito ay rumampa na nga ang mga Lakambini na suot ang kinalang mga putong o headdress na sumasalamin sa mga pistang kanilang kinakatawan. Nasa ibaba ang mga kalahok at ang kani-kanilang pista.


Baitang 7 - Glicerielle Lechadores : Panagbenga, Baguio City

Baitang 8 - Caitlin Soul Garcia : Sinulog, Cebu City

Baitang 9 - Janelle Castillo : Pahiyas, Lucban, Quezon

Baitang 10 - Maria Fe Cassandra Canayon : Maskara, Negros City

Baitang 11 - Mae Marie Villanueva : Dinagyang, Iloilo City

Baitang 12 - Gianne Christine Cutler : Vinta, Zamboanga City


Sinundan ito ng tagisan ng talento kung saan nagpakita ang mga kandidata ng kanilang iba’t ibang abilidad. Pagsagot ng mga Katanungan, ang huling bahagi ng kompetisyon, ang sumunod na siyang pinangunahan ni Gng. Erlinda Magayam. Samantala, habang abala sa pabibilang ng puntos ang mga hurado, mayroong piling mga mag-aaral mula sa pangkat ng 12 - A ang naghandog ng Supresang Bilang upang maaliw ang mga manonood. Nagkaroon pa ng munting patimpalak upang magawaran ang mga gurong nagsuot ng pinakamagandang natatangin kasuotan. Ang nagwagi ay sina G. Jerald Valen at Bb. Alyssa Fuentes. Pagkatapos nito ay ginawaran na ang mga nagwagi sa mga natatanging parangal at kokoronahan na ang kauna-unahang Lakambini. Muli, nasa ibaba ang mga nanalo.


Sa kabubuuan, naging matagumpay ang selebrasyon at naipakita nito sa mga pag-aaral ng Holy Family School ang kagandahan at kahalagahan ng wikang Filipino: Wika ng Saliksik.




Ang mga nagwagi


Mababang Paaralan


Sabayang Pagtula (baitang 1 at 2)

Una: 1 - Sta. Geneveive

Ikalawa: 2 - Sta. Helena

Ikatlo: 2 - Sta. Julia


Masining na Pagkukuwento (baitang 3 at 4)

Una: Henrietta Reign Querido, 4 - Sta. Flora

Ikalawa: Janiah Melize Florendo, 4 - Sta. Faustina

Ikatlo: Riyanna Payawal, 3 - Sta. Mary Margarette


Mukhalumbati (baitang 5 at 6)

Una: Septh Ree Cada, 5 - Sta. Monica

Ikalawa: Alyssa Franchesca Patrimonio, 5 - Sta. Rosa

Ikatlo: Sophia Marie Necessario, 6 - Sta. Angela


Mataas na Paaralan


Sabayang Pagra-rap (baitang 7 at 8)

Una: 8 - Sta. Lucia

Ikalawa: 7 - Sta. Edith Stein

Ikatlo: 7 - Sta. Josephine Bakhita


Sabayang Pagbigkas (baitang 9 at 10)

Una: 10 - Sta. Sta. Teresa ng Avila

Ikalawa: 10 - Sta. Clara ng Assissi

Ikatlo: 9 - A


Likhang Awit (baitang 11 at 12)

Una: 12 - B

Ikalawa: 11 - A

Ikatlo: 12 - A


Lakambini


Pinakamagandang Putong

Mae Villanueva


Pinakamahusay sa Talento

Mae Villanueva


Talisik

Janelle Castillo


Lakambini 2018

Mae Villanueva




FEATURED POSTS

CATEGORIES

ARCHIVE

bottom of page